Thursday, August 21, 2014

Wika ng pagkakaisa

WIKANG FILIPINO’Y ISA-PUSO UPANG KASIYAHA’Y
MATAMO

Pilipinas nakalaya ng sakupin ng mga kastila, sa tulung ng masa sa pangunguna ng bayani galling sa madla. Wikang Filipino’y kumalat sa sa ibat- ibang dako ng Pilipinas ginamit ito’t isinapuso at ngayo’y Pilipino nagkakaisa at natamo ang minimithi ng bawat isa.

Ngayong Buwan ng Agosto ipinagdiriwang ang Buwan ng Wika na pinamagatang “Wika ng Pagkakaisa”. Isang napakalaking karangalan ang pag-unlad ng isang bansa gamit ang iisang wika. Kaya naman nagkaroon ng pagpupulong ang mga namumuno ng ating bansa na magkaroon ng isang batas na nagpasaad na isang wika ang dapat gamitin upang madaling magkaunawaan ang bawat isa upang mas mapadaling umunlad ang ating bansa. Sa pamamagitan ng pagkakaroon ng batas o tuntunin na isang wika lamang ang dapat gamitin ay mas napapadali ang pakikipag-usap o pagkakaintindihan ng isa’t-isa. Pero hindi sa lahat ng oras at pagkakataon, halimbawa pagtayo ay tumuntong sa ibang bansa hindi magagamit an gating sariling wika sapagkat sila ay may sariling wika. Pero hindi ito ang rason upang tayo ay lumimut sa ating sariling bansa at sariling wika.


Pagkakaisa ay dapat isaalaala upang bansa’y manatiling tahimik at matiwasay sa lath ng oras. Laging isa-puso na ikaw, ako at tayo ay Pilipino na ang gamit natin ay Wikang Filipino. 

No comments:

Post a Comment